diegong's posts with tag: panyayari

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag panyayari
Photo Albumdivisoria sa mindanao 2008-04-04 (12 photos)Apr 4, '08 11:57 PM
for everyone

Blog Entry intro dive in planet dive anilao batangas Dec 31, '07 12:29 PM
for everyone
after a long trip to anilao batangas at last we arrive in the place around 9am and start to look around and picture taking.


















Linkdelivers the latest breaking news and infoNov 14, '07 9:08 AM
for everyone
Link: http://breakingnewsworld.blogspot.com/

Mabuhay! Welcome to the breaking news world information Web site of the Philippines. delivers the latest breaking news and information on the latest top stories, weather, business, entertainment, politics, and more. For in-depth coverage, Pprovides special reports, video, audio, photo galleries, and interactive guides.

Photo Albumpico de loro bike ride (98 photos)Aug 29, '07 2:53 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
pico bike ride 8-27-07 cast. power, pogee at diego

Blog Entrypinoy diksyunaryoAug 7, '07 12:37 PM
for everyone
Abuloy --- bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.
Akala ---- alam na alam daw. nag mama 'alam lang.
Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sana kung pera na lang.
Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.
Bakit ---- tanong na laging mahirap masagot.
Bakya ---- tsinelas na may takong. made in kahoy
Baga ----- lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.
Bagoong -- masarap na ulam ng mga walang maiulam.
Baldado -- hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.
Bale ----- suweldong inutang.
Kaaw ay --- ikli ng 'kaibigan na Inayawan.'
Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.
Kabag ---- utot na naipon sa tiyan.
Kabayo --- hayop na sinasakyan Ng kalesa.
Kalbo ---- gupit ng buhok na korteng itlog.
Dalaginding - dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.
Dilim ---- liwanag na maitim.
E -------- ireng paseksi.
Gahasa --- romansang walang ligawan.
Ginang --- asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.
Ginoo ---- inaasawa ni ginang na may inaasawang iba.
Gipit ---- kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.
Gulobong-gulong sa bubungan ng mga iskwater
Ha ------- sagot ng nagbibingi-bingihan .
Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala.
Handaan -- magdamagan na Palakihan ng tiyan.
Handog --- bigay na laging may kapalit.
Hipo ----- haplos na may malisya.
Hudas ---- tapat na manloloko.
Ibon ----- hayop na lumalangoy sa Hangin., medyu bastos sa manyak
Imposible - pagtaas ng unano.
Insulto --- walang hiyang biro.
Isda ------ hayop na hindi Nalulunod.
La -------- ikli ng 'lalalalala' sa kinakantang hindi maalala.
Lalawigan - syudad ng kahirapan.
Langaw ---- kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura.
Ma - ------- tawag sa gelpren na mukhang nanay na.
Malusog --- hitsura ng tumatabang balat.
Mama ------ tawag sa sosyal na ina.
Mano ------ kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.
Mantika --- katas ng piniritong taba.
Maybahay -- asawang utusan sa bahay.
Nakaw ----- pagkuha ng walang pasabing 'akin na lang ito.'
Naku ------ ikli ng 'ina ko, ina na ako.'
Nitso ----- bahay ng mga patay.
Nobya ----- gelpren na laking probinsya.
Ngalngal -- iyak ng walang ipen.
Ngisi ----- tawang tulo-laway.
Ngiti ----- tawang labas ipen.
Paa ------- ba hagi ng katawan na amoy lupa.
Paaralan -- dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo.
Panata ---- dasal na nakatataba ng tuhod.
Regla ----- masungit na panahon ng pagkababae.
Sabon ----- mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.
Sakristan - utusan ng pari.
Sampal ---- haplos na nakatitigas ng mukha.
Ta -------- ikli ng 'tita' o lalaking may bra.
Tastalon---pantalon n maraming tastas
Tsitones---buton sa  sinelas

Tamad ----- taong hindi napapagod sa pahinga.
Tirahan----inde masasabing bahay, bahay ng kabet, mga motel

Blog Entrypilipinong reklamador daw?Jul 29, '07 9:43 AM
for everyone

Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak.

Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna.

Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.

Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.

Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.

Sabi Mo, sabi MO, sabi MO.

E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore.
Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.
Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.
Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo.

Sa Singapore, Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.
Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.
Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.
Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant.

Sa Singapore, wala KAng sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai.

Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.

Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa
Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye.
Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"

Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan.

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.
Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.

O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John F. Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:

"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon."

Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.

Ipasa sa lahat ng Pinoy.

by:sinag.i.ph


Linkadventure in your daily lifeJul 28, '07 12:34 PM
for everyone
Link: http://philippineadventureracing.blogspot.com/

Mabuhay! Welcome to the Adventure Racing information Web site of the Philippines. Philippine Adventure Racing is the multi days race program that promote awareness in sports , environment and extreme adventure challenges..

Blog Entrypinoy transformersJul 26, '07 11:09 AM
for everyone
6 attachments Download all attachments View all images

optiBUSprime.JPG
100K View Download

bumbleJEEP.JPG
89K View Download

frenZIKAD.JPG
86K View Download

megaTRIKE.JPG
116K View Download

strICEsCREAM.JPG
105K View Download

barricart.JPG
99K View

Blog Entry"Paano Malalaman Kung May Adik sa Elevator”Jul 21, '07 10:30 AM
for everyone
Paano Malalaman Kung May Adik sa Elevator”

nang galing po ito sa idol kung si Jimong Pinoy ....hehehehe basta nakakatuwa ito galing daw to sa kaklase nya si Mika. pro inde ko sila kilala ni nakaw ko lang ......:)

 

Paano malalaman kung  may adik sa elevator? Madali lang!!

 

 

-         Makikita mo siyang bubuksan ng maliit ang dalang bag sabay sasabihing “ok ka lang ba dyan?”

-         Tatayo sila sa kanto ng elevator tapos nakaharap sa dingding. Hindi sila gagalaw at magsasalita

-         Pagdating sa floor na pupuntahan nila. Makikita mo silang pilit na bubuksan ang pinto. Tapos pag nagbukas ang pinto magisa, sasabihin niya saiyo “THANK YOU”

-         Kakamayan niya lahat ng nasa elevator, tapos sasabihin niyang tawagin na lang siyang si Kapitan Basa o si First Gentleman

-         Pag matahimik ang lahat bigla siyang gagawa ng tunog.. minsan MEOW minsan KOKOROKOK

-         Pag nakasakay mo siya, tititigan ka niyang mabuti. Pagkatapos ng mga ilang segundo bigla niyang sasabihin na “ISA KA SA KANILA” habang takot na takot.

-         Tuwing makikita niyang nagpapalit ng numero yung FLOOR NUMBER, biglang gagawa ng ingay. ang tunog e “DING”

-         Sasabihin niya sa sarili “anu kaya tong mga ito” sabay pipindutin niya lahat ng mga emergency button.

-         Tuwing may pipindot sa mga floor button, biglang siyang gagawa ng ingay na parang may sumabog. Halimbawa gusto mo ng 2nd floor pag pindot mo bigla siyang magka-KABOOOM

-         Titigan ka niya. Ngingitian ka sabay sasabihing.. “bago din ang medyas ko”

-         Kapag matahimik ang lahat, sasabihin niya saiyo.. “saiyo ba yung tumutunog na cellphone?”

-         Iaangat niya yung EMERGENCY PHONE tapos biglang “ANDYAN PO BA SI SHIRLEY??

-         Makikita mo siyang nagdo-drowing ng maliit na SQUARE sa sahig, sabay sisigaw ng “TERITORYO KO TO!!”

-         Kapag dalawa lang kayo sa elevator, tatapikin ka niya sa balikat, tapos aarte siya na hindi siya yung nag tapik saiyo.

-         Tuwing pipindutin niya yung mga floor buttons, kunwari makukuryente siya. Ngingiti pero uulitin niya ulit.

-         Tatanungin ka niya kung anung floor ang gusto mo, pag sinabi mong 7th floor pipindutin niya 4 saka 3. Sabay sasabihing “four plus three is equals to 7”.

-         Pipigilan niyang sumara yung pinto kasi may hinihintay daw siya. Mayamaya pag sumara na yung pinto at pumasok siyang walang kasama, bigla siyang magsasalita magisa sabay sasabihing “kumusta naman ang araw mo pare?”

-         Maghuhulog siya ng Ballpen. Tapos pag tutulungan mo siyang pulutin na ito, bigla kang sisigawan ng “TANGINA KA BOLPEN KO YAN”

-         Magdadala ng camera sabay kukunan ng litrato ang lahat ng nakasakay sa elevator. Lahat ng kuha CLOSE-UP

-         Kapag sarado na ang pinto ng elevator at nakasakay na ang lahat. Bigla siyang aarte na kala mo Stewardess ng Eroplano at ipapakita saiyo kung paanong gagawin pag may emergency at ituturo din niya kung saan ang pinakamalapit na exit.

-         Pumapatay ng LAMOK sa ere kahit wala naman.

-         At ang pinaka sabog sa lahat.. sisigaw ng GROUP HUG!!!!!


Photo Albummt. sembrano (august 27 - 28, 2005) (21 photos)Jun 29, '07 9:28 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
tanay rizal

Photo Albumdaguldol -san juan batangas (20 photos)Jun 29, '07 8:55 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
lasing ako eh

Photo AlbumPalawan 2005 coron boswangan (57 photos)Jun 23, '07 6:00 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Sarap Talagang Maging Pinoy .... only in The Philippines 2 Pare d2 Nagsamasama Ang Hinde Inaasahang Pangyayari At Nagkasundo Sundo Ang Mga Inde Naman Talagang Magkaka Tropa Nagkaroon Ng Bounding Sa Isat Isa Kahit Ang Iba Ay Magulang , Maingay Paglasing, Maramot, Masungit, Maepal ,Mautak at Kuripot

Haaaaaaayyyy Sarap Talaga Ng Buhay....

Photo Albumcall center expo 2005 (8 photos)Jun 5, '07 10:54 PM
for everyone

Photo AlbumINTRO DIVE (75 photos)May 29, '07 3:21 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
intro dive at teodoro anilao, Batangas planet dive

ddd
dThumbnaild
ddd
hundred island adventure race

Photo Albumluneta (5 photos)Feb 19, '07 4:53 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Photo shoot ng mga offis mate ko .. extra lang ako d2, napadaan lang feb.19,07

Photo AlbumAmbangeg Bike Ride (61 photos)Feb 3, '07 4:37 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Ranger to Jang jang Canteen bike ride patungong Mt. Pulag

Photo AlbumInumorning (watering hole) (16 photos)Nov 4, '06 11:16 AM
for everyone

Photo AlbumSAFARI Calauit 2006-09-26 (36 photos)Sep 26, '06 1:36 PM
for everyone

Photo AlbumPadyakan sa Bataan (46 photos)Sep 15, '06 1:53 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
downhill bike ride sa bataan...

Pages:12
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help